Gurong binihag ng Abu Sayyaf, pinalaya na

2016-08-19 18:53:13

 

PINALAYA ng Abu Sayyaf ang isang gurong kanilang binihag noong Martes sa Barangay Danag, Patikul, Sulu.


Ayon sa Western Mindanao Command, kinilala ang biktimang si Adrina Bongil, isang guro mula sa Tuup Elementary School.  Dinala na siya sa kanyang mga kamag-anak sa Jolo.


Kahapon ng ikalawa't kalahati, dinala ni Mayor Kabir Elias Hayudini ng Patikul si Bongil sa kanyang tahanan sa Barangay Anuling.


Nagtungo ang mga opisyal ng Joint Task Force Sulu at sinalubong ang biktima.  Sumailalim na rin siya sa debriefing.


Dinukot ng apat na lalaking armado ng M-16, isang M-14, isang kalibre .45 sa Barangay Kan Ague sa Patikul noong Martes ang biktima.  Walang balita kung naglagak ng ransom ang pamilya ng biktima.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino