May mga oportunidad sa paglabas ng Great Britain sa European Union

2016-08-26 15:02:16

SA desisyon ng mga Ingles na umalis na sa European Union, kahit pa may mga agam-agam, ay makikita rin pagkakataong umunlad. Binanggit naman ng isang panauhin ang pagpapahalaga ng mga Tsino sa krisis na kinakaharap at kinikilalang mga pagkakataon upang higit na umunlad.

Madalian silang nagkaroon ng bagong pamahalaan at nagpatuloy ang mga pakikipagkalakal. Nangangamba umano ang ilang mga Ingles sa kanilang paglisan sa European Union subalit nagkaroon sila ng pagkakataong makipag-usap sa mga kabalikat sa kalakal na hindi na idadaan pa sa European Union.

Sa kanilang paglisan sa European Union, wala umanong nararapat ipangamba ang mga Filipino sa larangan ng kalakal. “Huwag matakot” sapagkat mura ang mga paninda at kailangang bumili na bago pa tumaas ang halaga ng kalakal.

Ayon kay G. Richard Graham, isang miyembro ng parliamento at Trade Envoy ng British Prime Minister sa Pilipinas, sa kanyang talumpati sa mga mangangalakal na Ingles at mga Filipino, angkop ang desisyon ng pamahalaang Duterte na dagdagan ang gastos para sa mga pagawaing-bayan at magkaroon ng limang porsiyento sa Gross Domestic Product. Angkop din umano ang paggamit sa Public-Private Partmership.

Idinagdag pa ni G. Graham na unang dumalaw sa Pilipinas noong 1984, nakita niya ang pagbabago ng bansa mula noon hanggang sa mahalal ang balo ni Senador Benigno Aquino, Jr. noong 1986.

Isang lakas ng mga Filipino ay ang pagpapahalaga sa pamilya sapagkat kailangan ito sa pagpapasigla at pagpapaunlad ng bansa. Makakatulong din ang Great Britain sa mga pangangailangan ng Pilipinas mula sa enerhiya, mga sasakyan tulad ng double-decker bus at pangangailangan sa paliparan at pagpapa-unlad ng mga lansangan.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino