Sama ng panahon, palabas na ng Pilipinas

2016-08-27 18:24:31

 

PATULOY pa ring umiihip ng hanging mula 160 kilometro bawat oras hanggang sa pagbugsong 195 kilometro bawat oras ang bagyong si “Dindo” na may international name na Lionrock samantalang papapalayo na sa Pilipinas.


Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administartion (PAGASA) inaasahang makalalabas na sa nasasakupang bahagi ng karagatan sa South China Sea ang bagyo pagsapit ng Linggo ng umaga.


Nakita si “Dindo” kanina sa layong 985 kilometro sa silangan, hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes at kumikilos ng pitong kilometro bawat oras.


Ang maulap na kalangitan na may banayad na pag-ulan at mga pagkulog-pagkidlat ang madarama sa Metro Manila at mga kalapit lalawigan, dagdag pa ng PAGASA.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino