Kinabukasan ng nuclear power sa Asia Pacific Region pag-uusapan

2016-08-27 18:31:01

 

SISIMULAN sa Martes, ika-30 ng Agosto ang pagpupulong na itinataguyod ng International Atomic Energy Agency sa Manila Diamond Hotel. 


Nakatakdang magsalita sina Dr. Mihkail Chudakov, Deputy Director General at pinuno ng Department of Nuclear Energy ng IAEA at Dr. Alex R. Burkart co-chair ng Infrastructure Development Working Group.


Dalawang opisyal ng Pilipinas ang magbabahagi ng kanilang pananaw sa larangan ng nuclear energy.  Mauuna si Department of Energy Secretary Alfonso G. Cusi at Senate President Aquilino L. Pimentel III.


Magkakaroon ng press conference at dadaluhan ng iba't ibang panauhing kalahok sa pangrehiyong pulong.


Sa darating na Huwebes, ihahayag nina Secretary Cusi at Dr. Burkart ang napagkasunduan sa pangrehiyong pulong.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino