Dalubhasa sa seguridad naniniwalang wala sa kultura ng mga Filipino ang suicide bombing activities

2016-08-30 11:46:56

BAGAMA'T may kasaysayan ang mga Filipino na makipaglaban sa pamamagitan ng mga kris noong nakikidgma sa mga Americano, na maituturing na suicidal, wala sa kultura ng mga Filipino ngayon na gumawa ng mga ginagawa ng ibang mga mamamayan sa ibang bahagi ng daigdig.

Ito ang sinabi ni Dr. Stephen Cutler, isang dalubhasa sa larangan ng seguridad, sa idinaos na “Tapatan sa Aristocrat” kaninang umaga. Idinagdag pa niya mayroong mga pagtatangka ang ilang mga grupo na mangalap ng puwersa subalit limitado lamang ito sa kanilang paghahanap ng salapi para sa kanilang pangsariling interes tulad ng ginagawa ng Abu Sayyaf ngayon.

Para kay retired General Rodolfo Mendoza, isa sa mga dalubhasa sa intelligence sa hanap ng Philippine National Police, mga dalawa o tatlong taon na ang nakalilipas ng magtangka ang mga Abu Sayyaf at ilang mga militanteng grupo na gamitin ang Facebook at Twitter sa kanilang recruitment activities subalit hindi gasinong kinagat ng mga Filipino.

Isang malaking hamon para sa pamahalaan ang pagbabantay sa social media sapagkat may mga puwersang magtatangka at magtatangkang gamitin ito sa kanilang idolohiya.

Ipinaliwanag naman ni Manila Police Director Sr. Supt. Joel Coronel na alertado na ang mga tauhan ng pulisya sa National Capital Region, partikular na ang Lungsod ng Maynila. Nakausap na rin nila ang security officials ng mga tanaggapan ng pamahalaan at maging malalaking mall sa lungsod.

Batid ng mga security guard ang kanilang hinahanap sa bawat pagrerekisa ng mga kagamitan ng mga pumapasok sa malalaking shopping mall.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino