Tatlong speedboats, nabawi ng mga kawal sa Sulu

2016-09-02 18:40:16

 

SA patuloy na kampanya ng militar laban sa Abu Sayyaf Group (ASG), nasabat at nabawi ng mga kawal sa ilalim ni Brig. General Arnel B. Dela Vega kamakalawa ang tatlong speedboat na wala nang mga permiso at rehistro.


Nabawi ang mga speedboat sa karagatan malapit sa Maimbung Bay, Sulu na kinalalagyan ng mga patrolya upang maiwasan at mapigilan ang mga Abu Sayyaf na gamitin ang karagatan upang makatakas at makapagdala ng mga dagdag na tauhan.


Dalawa sa tatlong speedboat ang mayroong dalawang 200-horsepower outboard motors samantalang ang ikatlo ay mayroong tatlong 200-horsepower engines na makapaglalakbay ng may 30 milya sa bawat oras.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino