Pangulong Duterte, hindi na muna dadalaw sa Brunei

2016-09-03 19:41:24

NAGDESISYON na si Pangulong Duterte na hindi siya maglalakbay patungong Brunei matapos ang pagsabog kagabi sa Davao City.

Ani Communications Secretary Martin Andanar sa isang text message na kanselado na nga ang paglalakbay ng pangulo. Nakatakda sana siyang lumipad patungo sa kalapit-bansa ngayon hanggang sa Lunes.

Ang pagdalaw niya sa Brunei ang kauna-unahan bilang Pangulo ng Pilipinas sa kanyang panunungkulan.

Idinagdag ni Presidential Communication Officer Martin Andanar na tuloy ang paglahok ni Pangulong Duterte sa ASEAN summit meeting. Tiyak na rin ang kanyang pagdalaw sa Indonesia pagkatapos ng ASEAN Summit.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino