Pangulong Duterte, dadalaw sa Japan

2016-09-06 18:35:12

 

TINANGGAP ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paanyaya ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe na dumalaw sa Japan. 


Sa kanilang pag-uusap sa sidelines ng ika-28 ASEAN Summit sa Vientiane, sinabi ni G. Duterte na matagal nang kaibigan ang Japan na nagpapahalaga sa paggalang sa isa't isa, pagtutulungan at pagkilala sa itinatadhana ng batas.  Pinasalamat niya ang Japan sa pagtulong sa bansa, partikular sa Mindanao.

Binanggit din ni Pangulong Duterte ang papel ng Japan sa pagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran sa Bangsamoro Region.


Sa panig ni G. Abe, tuloy ang pakikiisa ng kanyang bansa sa pagpapunlad sa Pilipinas at pagusulong ng defense cooperation at paglalaan ng mga kailangan sa mga pagawaing-bayan.  Inulit ni G. Abe ang kanyang pangakong pagsusulong ng malawakang kapayapaan at katatagan, makikipagtulungan din sa counter-terrorism measures.


Nagkasundo ang magkabilang panig sa pangangailangan ng pagtutulungan sa pagpapatupad ng batas at mga proyektong magpapalakas sa maritime capabilities ng Pilipinas.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino