Pangulong Duterte, pormal na tinanggap ang pamumuno sa ASEAN

2016-09-09 16:36:13

 

IPAGPAPATULOY ng Pilipinas ang magandang nasimulan ng Laos at iba pang mga namuno sa Association of Southeast Asian Nations sa pagpapanatili ng kapayapaan, katatagan, seguridad at kaunlaran samantalang nagkakaisa ang mga bansa sa panig na ito ng daigdig.


Ito ang buod ng talumpati ni Pangulong Rodrido Duterte sa kanyang pormal na pagtanggap ng liderato ng samahan mula kay Laotian Prime Minister Thongloun Sisoulith na nangasiwa sa pangrehiyong samahan ngayong 2016.


Sinabi ni G. Duterte na handa ang Pilipinas na pamunuan ang samahan.  Ang mahalaga ay ang pagkakaisa at pagtulong ng lahat ng bansa sa rehiyon at mga kinikilalang dialogue partner.


Ikinagalak ni G. Duterte na napapanahon sa pamumuno ng Pilipinas ang ika-50 anibersaryo ng samahan.


Hindi nakadalo si Pangulong Duterte sa ASEAN summit with India at sa ASEAN Summit with the United States dahilan sa sumama ang kanyang pakiramdam.

 

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino