Bulkang Mayon, nagpaparamdam na naman

2016-09-09 16:37:25

 

ITINAAS ng mga autoridad sa Alert Level 1 ang Bulkang Mayon kaninang umaga matapos kakitaan ng mga senyal na may nagaganap sa ilalim ng lupa.


Sa isang panayam, sinabi ni Dr. Renato Solidum, director ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na tumaas ang inilalabas nitong sulphur dioxide at nahigitan ang baseline level na 500 tonelada sa bawat araw.  May ilang pagkakataong higit sa 1,000 tonelada ang nailabas nito sa bawat araw mula noong Hulyo 2016.  


Sa kanilang global positioning system at tilt measurements, nakitang lumulobo at lumalaki ang dalisdis ng bulkan mula noong Hulyo.  Sa kanilang precise levelling at electronic distance surveys noong huling linggo ng Agosto ay kinakitaan ng pamamaga ng bulkan.  Posibleng nagaganap ito sa paggalaw ng kumukulong putik sa ilalim ng bulkan.


Nagkaroon din ng 146 na lindol na naitala ang Mayon Volcano observatory seismic network mula ikatlo hanggang ikaanim ng Agosto na napuna sa timog-silangang bahagi ng bulkan na may 10 kilometro ang layo.  Maaari umanong nagaganap ang paglindol sa pagkabiyak ng mga bato na may kinalaman sa pagkilos ng kumukulong putik sa ilalim ng 2,462 metrong bulkan.


Idinagdag pa ni Dr. Solidum na apat sa binabantayang 14 na balon sa timog-silangang bahagi ng bulkan ay kinatagpuan ng pagbaba ng tubig na inilalabas nito.  Isa sa mga balon ang natuyo na.  Wala pa namang nagbabagang bato sa bibig ng bulkan.


Sa pagtataas ng Alert Level 1, pinagbabawalan ang laat na pumasok as Permanent Danger Zone na anim na kilometro dahilan sa posibleng pagguho ng mga bato paligid ng bulkan.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino