Pangulong Duterte, pumayag sa pagpapataw ng parusang kamatayan kay Mary Jane Veloso: Itinanggi naman ng Department of Foreign Affairs ng Pilipinas

2016-09-12 18:04:35

PUMAYAG na umano si Pangulong Rodrigo Duterte na patawan na ng parusang kamatayan si Mary Jane Veloso na kasalukuyang na sa death row ng isang piitans a Yogyakarta, Indonesia.

Sa balitang lumabas sa Maynila mula sa Jakarta Post, sinabi ni Pangulong Joko “Jokowi” Widodo na pumayag na si Pangulong Duterte na igawad ang parusa.  Mula ang balita sa Antara News Agency sa Serang, Banten.

Ayon umano kay G. Widodo, ang prosesong legal ay hawak na ni Attorney General M. Prasetyo.  Ipinaliwanag na umano ni Pangulong Widodo ang katayuan ni Mary Jane at nasabihan na ring napag-alamang nagkasala ang Filipina sa pagdadala ng higit sa dalawwang kilo't kalahating heroina.  Nabanggit din ang pagkabalam sa pagpapataw ng parusang kamatayan sa kanilang pagkikita.

Nadakip si Veloso sa Adiscucipto Airport sa Yogyakarta noong Abril 2010.  Hindi muna isinama sa ikatlong talaan ng sasailalim sa parusang kamatayang inihanda ng attorney general sapagkat iba ang legal procedures sa halos kahalintulad na usapin sa bansang kanyang pinagmulan.  Nabigyan ng “stay of execution” si Mari Jane Veloso sapagkat danakip umano ang kanyang amo sa Pilipinas at humiling ang pamahalang Filipino na tulungan silang malutas ang usapin.

Samantala, itinanggi ng Department of Foreign Affairs ng Pilipinas ang balitang nagbigay na si Pangulong Duterte ng “green light” na igawad na ang parusang kamatayan kay Mary Jane Veloso.

Ito ang pagliliwanag ni Secretary of Foreign Affairs Perfecto R. Yasay, Jr. sa pamamagitan ng text message mula kay Asst. Secretary Charles Jose matapos mabasa ang balitang mula sa Jakarta Post na may maling headline na nagsabing “Duterte has given green light for Mary Jane's execution.”

Binigyang-diin ni Secretary Yasay ang bahagi ng balitang nagsabi na hindi isinama si Veloso sa talaan ng mga magagawaran ng parusang kamatayan noong Abril sapagkat mayroon pa ring legal procedures sa isang hiwalay subalit may relasyong usapin.

Ani G. Yasay ang execution ay “indefinitely deferred.”    Idinagdag pa ni G. Yasay na hindi kailanman nagbigay si Pangulong Duterte mh “green light” sa pagpapataw ng parusang kamatayan kay Veloso.  Ang tanging sinabi ni Pangulong Duterte ay ang paggalang niya sa judicial processes at tatanggapin kung ano man ang maging desisyon sa kanyang usapin.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino