“Continuity” ang kailangan ng Pilipinas

2016-09-12 18:06:43

MAYROONG isang silid sa Department of Transportation na naglalaman ng napakaraming plano na hindi naman naipatupad.  Hindi umano nagkukulang ang pamahalaan sa mga pag-aaral para sa lumalaking bilang ng mga mamamayan.   Subalit ang mga pangulong nauupo ay nagpapagawa ng iba't ibang mga programang magtataglay ng kani-kanilang mga pangalan.

Ito ang sinabi ni dating Transport and Communications Undersecretary Primitivo Cal sa idinaos na “Tapatan sa Aristocrat” kanina.  Niliwanag niyang ang mga balak na pagpapa-unlad ng mga pasilidad ay nararapat magkaroon ng koordinasyon sa iba't ibang tanggapan tulad ng mga kagawaran at mga local government units.

Mahalagang ang nasimulan ng papaalis na pangulo ay ipagpapatuloy ng hahalili sa abot ng kanyang makakaya sapagkat nakataya ang magiging kinabukasan ng mga mamamayan at bansa.

Sumang-ayon naman si G. Carlos Yturzaeta na kailangang magkaroon ng mas maliwanag na direksyong tatahakin ang pamahalaan.  Inihalimbawa niya ang Singapore na isang maliit na bansa na naglaan na ng sampung bilyong dolyar para kanilang mass transport system hanggang sa taong 2030.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino