Piston, nangangamba sa “emergency powers”

2016-09-12 18:07:31

SA likod ng magagandang layunin ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapagaan ang kalagayan ng mga motorista sa Metro Manila sa pamamgitan ng “emergency powers” na kanyang hinihingi sa Senado at Kongreso, nangangamba ang isang lider ng mga tsuper na higit na makikinabang ang pribadong sektor kaysa mga mamamayan.

Sa idinaos na “Tapatan sa Aristocrat” kaninang umaga, sinabi ni G. George San Mateo, pangulo ng PISTON, isang malaking samahan ng mga tsuper ng jeepney na ang mga Ayala at Pangilinan na naman ang makikinabang sa pamamagitan ng “Public-Private Partnership” sa mga pagawaing bayan.

Inihalimbawa niya ang karanasan ng mga Filipino noong panahon ni dating Panglong Fidel V. Ramos na nasadlak ang bansa sa matinding pangangailangan ng kuryente kaya't sa pamamagitan ng emergency powers, nakipagpakasundo ang pamahalaan sa pribadong sektor na bumuo ng independent power producers.  Lubhang mahal ang kanilang naging singil sa mga mamamayan.

Pinag-aralan umano nina G. San Mateo ang nilalaman ng panukalang emergency powers mula sa pamahalaang Duterte at laking gulat nilang mabibigyan ng sovereign guarantees ang mga proyektong nasa talaang isinumite sa Senado at Kongreso ng pamahalang Duterte.  Nagulat din umano sila sa mga proyektong wala ng kinalaman sa traffic.  Inihalimbawa niya ang mga proyektong may kinalaman sa paliparan at mga proyekto sa paligid nito.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino