Makabagong pasilidad kailangan ng intermodal access

2016-09-12 18:08:25

WALANG problema sa mga provincial bus operator ang binabalak ng Duterte Administration na ilagay ang mga bus mula sa iba't ibang lalawigan sa labas ng pinakapuso ng Metro Manila.  Ito ang sinabi ni Engr. Alex Yague, pangulo ng Provincial Bus Operators Association of the Philippines.

Subalit mayroon siyang kahilingan o pakiusap, ang ilalagay o itatayong mga terminal ay nararapat may koneksyon sa mga sasakyan maghahatid sa mga mula sa mga lalawigan sa kanilang patutunguhan. 

Idinagdag niyang aabot lamang sa 9,000 bus ang nagtutungo sa mga lalawigan at bumabalik sa Metro Manila.  Maliit ito kung ihahambing sa mga sasakyang pribado tulad ng naunang kahilingan ni dating Albay Governor Jose Sarte Salceda para sa temporary restraing order sa Korte Suprema.

Ayon kay Pangulong Yague, kung walang koneksyon sa iba't ibang sasakyang pampubliko ang provincial buses, tiyak na magagastusan o higit na mahihirapan ang mga pasahero sapagkat maghahanap pa sila ng masasakyan at mga pribadong kumpanya na naman ang papasok sa eksena.

Walang problemang susunod ang mga pasahero dahil sa mga ipakikilalang alituntunin.  Problema nga lamang ay ang magiging kalagayan ng maglalakbay mula sa mga lalawigan patungo sa kanilang mga mahal sa buhay sa Metro Manila.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino