Hindi tinatalikdan ng Pilipinas ang America

2016-09-14 17:04:10

NILIWANAG ni Presidential Spokesperson Secretary Ernesto Abella na kahit pa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na makabubuting umalis na ang mga Americanong kawal sa Mindanao, hindi naman tinatalikdan ng Pilipinas ang pakikipagkaibigan nito sa America.

Ito ang sinabi ni G. Abella sa isang press conference kanina.  Hindi umano policy statement ang sinabi ng pangulo.  Sapagkat hindi ito policy statement, walang sino pang kumikilos matapos ang pahayag.

Wala umanong direktiba kung paano ipatutupad ang pahayag na ito ng pangulo.  Kahapon ay binanggit ni Pangulong Duterte na nais niyang lumisan na ang mga kawal ng America sa Mindanao sapagkat ang kanilang pananatili roon ang magpapalala ng situasyon.



Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino