Panukalang pagbabalik ng parusang kamatayan, tinutulan

2016-09-14 18:54:14

 

NANAWAGAN ang Catholic Bishops Conference of the Philippines sa mga mamababatas at sa mga mamamayan na tutulan ang mga panukalang nagsasabing ibalik na ang parusang kamatayan sapagkat ito ay taliwas sa dignidad ng tao.

Sinabi ni CBCP President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates B. Villegas na mayroong magkataliwas na situwasyon sa pagitan ng parusang kamatayan at itinatadhana ng Saligang Batas na nagbabawal sa malupit at 'di pangkaraniwang parusa.

Sa mga nakalipas na daang taon, tinanggap ang parusang kamatayan kahit ng simbahan.  Subalit sa pagunawa, nabatid na upang higit na makatao ang pag-uugali ayon sa dignidad na ipinataw sa tao, yayabong ang moral sense.

Ito ang napapaloob sa ethical guideline na ipinalabas kanina.  Ang pagbabalik ng parusang kamatayan ang isa sa mga prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte.



Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino