Hindi apektado ang Duterte administration sa pagdinig sa Senado kahapon

2016-09-16 17:35:47

 

TULOY ang pamahalaan sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtahak sa landas na mapayapa, walang krimen, walang katiwalian na hindi maapektuhan ng anumang kontrobersya.


Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella sa isang press briefing sa Malacanang kanina.  Hindi umano nagbabago ang pananaw ni Pangulong Duterte upang makamtan ang kanyang pangako.


Sinabi ni Secretary Abella na kailangang suportahan ang pamahalaang magkatotoo ang mga programang ito.


Ito ang kanyang pahayag samantalang isinasagawa ng Senado ang pagdinig sa mga usaping may kinalaman sa extra-judicial killings.


Sinabi naman ni Secretary Martin Andanar na hintayin na lamang ang buong larawang makakamtan sa pagdinig ng komite ni Senador Leila de Lima.  Idinagdag pa ni G. Andanar na ang kailangan ay maging mahinahon ang lahat.


Iminungkahi ni G. Andanar na makabubuting suriin ang mga nagaganap upang magkaroon ng mas magandang pananaw sa mga isyung pinag-uusapan.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino