May testigo na laban kay Senador de Lima

2016-09-16 17:36:55

MAY haharap na testigo laban kay Senador Leila de Lima.  Ito ang sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa panayam sa isang himpilan ng radyo kaninang umaga.  Nakatakdang magsagawa ng pagsisiyasat ang Kongreso sa susunod na linggo.

Mayroon umanong sampu hangang 12 mga high-profile na bilanggong haharap sa imbestigasyon.  Kasama na si Herbert “Ampang” Colangco sa magiging testigo.

Kasama si Colangco sa dalawang drug lord na kabilanggo na subalit tuloy pa rin ang operasyon ng illegal drugs.  Idinagdag pa ni G. Aguirre na may isang dating director ng National Bureau of Investigation ang haharap sa pagsisiyasat.

Naunang sinabi ni Senador de Lima na 'di siya dadalo sa pagdinig ng Kongreso sapagkat 'di siya umaasang magiging patas ang pagdinig.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino