Pilipinas, nababahala sa pagpapasabog na naman ng North Korea

2016-09-16 17:41:30

 

LUBHANG nababahala ang Pilipinas sa ginawang pagpapasabog ng bombang nukleyar noong nakalipas na Biyernes, ika-siyam ng Setyembre.  Ginawa ang pagpapasabog sa likod ng mga babala ng international community at tahasang paglabag sa mga resolusyon ng United Nations Security Council.


Sa isang pahayag ng Department of Foreign Affairs, nanawagan na naman ang Pilipinas sa Democratic People's Republic of Korea na tumugon sa mga nilagdaan nitong kasunduang napapaloob sa UN Security Council resolutions kasabay ng pakiusap na maging mahinahon sa ngalan ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon.



Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino