Pangulong Duterte, tagahanga ni Pangulong Marcos

2016-09-19 18:52:48

NABABAHALA si Gng. Raissa Robles na isang masugid na tagahanga ni Pangulong Ferdinand Edralin Marcos si Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Isa si Gng. Robles sa mga naging panauhin sa Tapatan sa Aristocrat kaninang umaga.

Nakikita umano sa mga kasabihang maihahalintulad sa “Bagong Lipunan” ni G. Marcos ang “Change is coming” ni Pangulong Duterte. Ang mga sinabi niyang siya ang mananagot basta't maayos lamang ang takbo ng bansa ay kahalintulad na rin ng mga pinagsasabi ni Marcos noon.

Nangangamba rin si Gng. Robles na baka hindi magtagal ay gamitin na ang kalagayan ng bansa upang magdeklara ng Martial Law lalo pa't may mga pahayag na magulo ang bansa sapagkat malawak ang nasasaklaw ng sindikato ng droga.

Si Gng. Robles ang may akda ng aklat na Marcos Martial Law: Never Again na inilunsad kamakailan. Noon pa mang Martial Law days ay nangalap na siya ng mga impormasyon at datos mula sa mga pahayag, mga talumpati at mga aklat ng mga principal character sa pamahalaan at maging sa non-government organization.

Iisa lamang umano sa kanyang nakapanayam ang nagsabing mayroon ngang pagpapahirap sa mga nadadakip subalit itinaggi ng taong ito na mayroong mga panghahalay sa mga kababaihan.

Hindi biro ang naranasan ng kanyang mga nakapanayam. Ani Gng. Robles, ang unang nakapanayam niya para sa aklat ay si G. Satur Ocampo na dumanas din ng ibayong pahirap.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino