Senador De Lima, tumangging magbitiw

2016-09-22 17:59:41

TUMANGGING magbitiw bilang mambabatas si Senador Leila de Lima sa gitna ng mga pahayag na nagsasangkot sa kanya sa illegal drugs.

Nagtanong pa si Senador de Lima kung bakit siya magbibitiw ay siya pa mismo ang ginigipit sa mga walang katuturan na mga akusasyon.

Lumabas ang mga panawagan na magbitiw siya kasunod ng mga bagong saksing nagsasangkot sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison samantalang siya'y nanunungkulan bilang kalihim ng Department of Justice.

Si Pangulong Duterte mismo ang nanawagang magbitiw na si Senador de Lima.

Nabanggit ni Pangulong Duterte na kung siya si De Lima, magbibigti na lamang siya.  Idinagdag pa ni G. Duterte na marapat lamang na magbitiw siya sa pagka-mambabatas.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino