Norwegian hostage, pabalik na sa kanyang bansa

2016-09-22 18:01:15

LUMISAN na pabalik sa Norway si Kjartan Sekkingstad matapos makalaya mula sa kamay ng mga Abu Sayyaf. 

Nakapag-ahit na si Sekkingstad at sumakay na sa Thai Airways Flight TG 621 patungong Bangkok sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 kanina.  Sinamahan siya ng mga opisyal ng Norwegian Embassy sa Maynila.

Sa Bangkok sasakay siya sa kanyang eroplanong patungong Oslo, Norway ang pinalayang hostage ng Abu Sayyaf.  Halos isang taon din siya sa kamay ng mga masasamang-loob. 

Ang dalawang banyagang  kinilala sa mga pangalang John Ridsdel at Robert Hall na mula sa Canada ay pinugutan ng Abu Sayyaf matapos hindi magbigay ng ransom.

Nakalaya naman ang katipan ng isa sa mga pinaslang na nakilala sa pangalang Tess Flor Hall.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino