Marine Colonel, pinabulaanan ang pahayag ni Senador de Lima

2016-09-23 18:19:38

WALANG katotohanan ang pahayag ni Senador Leila de Lima na may nanggigipit sa kanya upang tumestigo laban sa dating kalihim ng Kagawaran ng Katarungan.

Sa isang press briefing ni Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino, sinabi niyang pinalalabas ni Senador de Lima na magkaibigan sila noon pang mga nakalipas na panahon.

Idinagdag pa ni Col. Marcelino na Kung talagang magkaibigan sila ng mambabatas ngayon hindi na sana siya nagtagal sa loob ng piitan.  Umabot siya ng anim na buwan sa loob ng piitan matapos madakip sa isang anti-drug operation sa Maynila.  

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino