Pangulong Duterte, magtutungo sa Viet Nam

2016-09-27 12:01:59

 

AALIS si Pangulong Rodrigo Duterte sa Miyerkoles at magtutungo sa Viet Nam para sa dalawang araw na opisyal na pagdalaw. 


Sa isang briefing na ibinigay ni Asst. Secretary Charles Jose ng Department of Foreign Affairs, sinabing ang pagdalaw na ito ay pagpapakilala sa mga kalapit-bansa.  Samantalang na sa Ha Noi, makakausap ni Pangulong Duterte si Pangulong Tran Dai Quang at dadalaw sa iba pang pinuno ng bansa.


Naghahanda na rin ang Embahada ng Pilipinas sa Ha Noi upang makaharap ni Pangulong Duterte ang mga Filipinong nasa Viet Nam.  Sa pinakahuling pagtataya, mayroong 3,800 mga Filipino sa umuunlad na bansa.


Idinagdag ni Asst. Sec. Jose na tagapagsalita rin ng Department of Foreign Affairs na pag-uusapan ng magkabilang panig ang mga isyung may kinalaman sa mahahalagang interes tulad ng maritime cooperation, pagpapalawak ng pagpapatupad ng batas at defense cooperation.  Pasisiglahin din ang kalakalan at palalakasin ang mga pagkilos sa larangan ng kultura at pagpapalitan ng kaalaman sa pagsasaka at pangingisda.


Pag-uusapan din ang regional at international issues.  Patuloy na lumalakas ang relasyon ng magkabilang bansa mula ng magsimula ang magandang relasyon noong ika-12 ng Hulyo 1976.


Nagkaroon na ng paunang pag-uusap sa pagitan ni Pangulong Duterte at Prime Minister Nguyen Xuan Phuc sa ASEAN Summit at related summits mula noong ika-anim hanggang ika-walo ng Setyembre sa Vientiane, Laos.

 

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino