Senador Miriam Defensor-Santiago, pumanaw na

2016-09-29 16:58:09

 

Senador Miriam Defensor-Santiago, pumanaw na

SENADOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO, PUMANAW NA.  Namayapa na si Senador Miriam Defensor-Santiago kaninang umaga sanhi ng kanyang cancer sa baga.  Dalawang ulit siyang tumakbo sa panguluhan.  Una noong 1992 at ang pangalawa ay noong nakalipas na Mayo ng taong ito.  (Facebook Photo ni Senador Miriam Defensor Santiago)

 

NAMAYAPA na ang isa sa pinakamakukulay na mambabatas sa kasaysayan ng Pilipinas kaninang umaga.  Pumanaw na si Senador Miriam Defensor-Santiago samantalang natutulog sa St. Luke's Medical Center sa Taguig City sa edad na 71 taong gulang.


Inamin mismo ni Senador Santiago na mayroon siyang kanser sa baga at nasa Stage 4 na noong 2014.  Ayon sa balitang lumabas, sinabi ni Atty. Narciso Santiago, Jr. na walang malay ang dating mambabatas noong siya'y pumanaw.


Labas-masok siya sa pagamutan matapos makitang may komplikasyon ang kanyang karamdaman.


Tumakbo siya sa pagkapangulo noong nakalipas na Mayo kasama si Senador Ferdinand Marcos, Jr. na kumandidato sa pagka-pangalawang pangulo.


Magugunita si Senador Santiago sa kanyang paninindigan laban sa Visiting Forces Agreement.  Para sa mambabatas. Ang VFA at ang Enhanced Defence Cooperation Agreement sa pagitan ng Pilipinas at America ay tratado at hindi isang executive agreement lamang.


Isa sa mga naunang nakiramay ay si Senador Grace Poe Llamanzares na naglabas ng balita samantalang namumuno sa pagdinig sa Freedom of Information Bill sa Senado.


Nakiramay na rin si Senador Franklin M. Drilon na kaklase ni Senador Defensor-Santiago sa kanilang undergraduate studies sa University of the Philippines - Iloilo.  Nagkasama rin sila sa University of the Philippines - College of Law.


Isa rin sa unang nakiramay sa pamilya ni Senador Miriam Defensor Santiago ay si Senador Juan Ponce Enrile.


Wala pang funeral arrangements hanggang sa sinusulat ang balitang ito.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino