Pahayag ni Pangulong Duterte, niliwanag ng kanyang mga kasama

2016-09-29 17:08:32

 

MAGKAKAROON pa rin ng war games na katatampukan ng mga kawal na Amerikano.


Lumabas sa mga balitang mula sa Viet Nam, sinabi ng kanyang mga pinagtitiwalaan sa mga mamamahayag na ang pagsasanay sa darating na Oktubre ay ang pinakahuli sa taong ito. 


Unang lumabas ang balita na nabanggit ni Pangulong Duterte na ang pasasanay ang pinakahuli na sa pagitan ng mga Filipino at Americano.  Sinabi naman ng isang opisyal na 'di naman niya narinig na nagsabi ng ganyan ang pangulo.


Sinabi ni Secretary Hermogenes Esperon na sa kanyang pagkakaunawa ay ito na ang pinakahuli sa taong ito.  Ang paksa ay ang ika-33 pagsasanay sa Amphibious Landing Exercisse mula sa ikatlo hanggang ika-12 ng Oktubre sa pagitan ng mga kawal na Americano at Filipino.


Sinabi naman ni Foreign Secretary Perfecto R. Yasay, Jr. na wala siyang narinig na ganyan mula sa pangulo.  Hindi umano siya makapaniwalang sinabi ni Pangulong Duterte ang bagay na ito.


Naunang narinig si Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa may 600 mga Filipino workers sa Ha Noi na tatapusin na ang military exercises na kinatatampukan ng Estados Unidos.  Pananatiliin lamang ang relasyon sa America dahil sa 1951 Mutual Defense Treaty.


Nabanggit din ni Pangulong Duterte na magkakaroon ng pakikipag-alyansa sa iba't ibang bansa sa larangan ng kalakal at komersyo at magkakaroon na naman ng war games na hindi naman gugustuhin ng People's Republic of China.


Ayaw lamang niyang mapahiya ang kanyang defense secretary kaya't itutuloy ang pagsasanay.


Nasabi naman ni Secretary Yasay na patuloy na kikilalanin ng bansa ang mga kasunduan sa Estados Unidos.  Ang pagpapawalang bisa sa mga kasunduan ay kailangang sangayunan ng magkabilang-panig.


Ipinaliwanag ni Secretary Yasay na hindi basta mapapawalang-saysay ang mga kasunduan base lamang sa desisyon ni Pangulong Duterte.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino