Dalawang Abu Sayyaf, napaslang sa sagupaan

2016-09-29 17:11:43

 

DALAWA ang napaslang samantalang tatlo ang nasugatan sa hiwalay subalit magkasunod na sagupaan sa pagitan ng mga kawal ng Pilippine Army at Abu Sayyaf Group sa Panamao, Sulu kahapon.


Isang kawal na nasugatan na hindi muna ibinigay ang pangalan ang nasugatan dahil sa shrapnel mula sa mga granada.  Nagpapagaling na siya sa Camp Bautista Hospital sa Jolo.


Naganap ang unang sagupaan mga ika-pito at kalahati ng umaga sa pagitan ng mga tauhan ng Bravo Company at may 30 Abu Sayyaf.  Dalawang Abu Sayyaf ang napaslang samantalang isang kawal ang nasugatan.


Ayon sa balita ng Joint Task Force Sulu, naganap ang ikalawang sagupaan mga pasado ika-siyam ng umaga sa pagitan ng mga kawal ng Bravo Company ng 10th Infantry Battalion at mga Abu Sayyaf sa Baranyau Pugad Manaul sa Panamao, Sulu na ikinasugat naman ng tatlong Abu Sayyaf. 


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino