Mga 'di pagkakaunawaan, lulutasin sa payapang paraan

2016-10-01 17:37:59

MULA sa Ha Noi, sinabi ni Foreign Secretary Perfecto R. Yasay, Jr. na walang anumang problema sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam sa pagharap sa 'di pa nalulutas na isyu ng South China Sea. 

Sa isang press briefing na dinaluhan din ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, sinabi ni G. Yasay na tulad ng ibang mga kasapi ng ASEAN, gumagalang sila sa rule of law, international law at maging sa 1982 UNCLOS.

Upang matiyak ang pagkakaroon ng legal at angkop na proseso ng diplomasya sa payapang paglutas ng mga 'di pagkakaunawaan, magkakaroon ng ibayong hinahon at walang magiging aksyong magiging dahilan ng probokasyon na siyang sisira sa payapang paraan ng paglutas ng mga mahahalagang isyu.

Nagkasundo rin ang Pilipinas at Vietnam na tuluyang ipatupad ang Declaration of Conduct na ipinasa na ng lahat ng mga kasapi ng ASEAN noong 2002 at ipagpatuloy sa madaling panahon ang pagkakarooon ng code of conduct.

Ang posisyon ng Vietnam, Tsina at Pilipinas ay naaayon sa paninindigan ng ASEAN sa bagay na ito, dagdag pa ni G. Yasay.

Nagkasundo rin ang Vietnam at Pilipinas na hindi masasangkot ang mga merito ng kani-kanilang paghahabol.  Kahit umano ang international community ay nahahati sa pagsuporta sa Vietnam, sa Pilipinas at maging sa Tsina tulad ng paggalang sa rule of law sa mga lumagda sa UNCLOS. 

Ipinaliwanag pa ni G. Yasay na kailangan ang bilateral talks sa Tsina sapagkat ang desisyon ng arbitral tribunal ay walang bahagi ng pagpapatupad o enforcement capability o mekanismo. 


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino