Maritime Silk Road, nagdudulot ng aktuwal na kapakanan sa Tsina at Indonesia—Embahador Tsino

2016-10-06 13:26:17 CRI

Ipinahayag kamakailan ni Xie Feng, Embahador Tsino sa Indonesia, na sapul na iharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang munkahi ng konstruksyon ng "21st Maritime Silk Road" noong 2013, pinasusulong ng dalawang bansa ang pag-uugnayan sa mga patakaran, pagpapadali ng mga negosyo, kooperasyon sa konstruksyon ng imprastruktura at pagpapalagayan ng kanilang mga mamamayan. Ito aniya ay nagdudulot ng mga aktuwal na kapakanan para sa dalawang panig.

Sinabi ni Xie na ang Tsina ay pinakamalaking trade partner ng Indonesia at pinakamalaking bansang pinagluluwasan ng bansang ito. Samantala, ang Tsina ay ika-3 pinakamalaking bansang namumuhunan sa Indonesia.

Noong unang hati ng taong 2016, ang kabuuang bilang ng mga turistang Tsino sa Indonesia ay lumampas sa 830,000 person-time at dahil dito, ang Tsina ay naging pinakamalaking bansang pinagmumulan ng mga turista ng Indonesia.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino