GDP ng Biyetnam, lalaki ng 6%--WB

2016-10-06 13:26:07 CRI

Ayon sa pahayag na inilabas ng World Bank (WB) Miyerkules, Oktubre 6, 2016 sa Hanoi, inaasahang aabot sa 6% ang bahagdan ng paglaki ng GDP ng Biyetnam sa taong 2016.

Noong nagdaang Abril, ang nasabing target ay nasa 6.2%.

Ayon sa naturang pahayag, kinakaharap ng Biyetnam ang hamon ng pagbabagal ng paglaki ng pambansang kabuhayan na dulot ng pagbabagal ng paglaki ng bolyum ng pagluluwas, paglalala ng di-balanse ng pinansya, at malubhang isyu ng utang.

Ayon sa ulat ng WB, ang bahagdan ng paglaki ng GDP ng bansang ito noong unang hati ng taong ito ay umabot sa 5.5% lamang dahil sa epekto ng malubhang kalamidad ng tag-tuyo sa agrikultura at pagbabagal ng pag-unlad ng industriya.

Bukod sa WB, pinababa rin ng Asian Development Bank ang pagtaya sa bahagdan ng paglaki ng GDP ng Biyetnam sa 6%.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino