Mobile phone jammers, pinapatay para sa transaksyon

2016-10-10 18:54:02

ISANG bilanggong nakilala sa pangalang Jaybee Sebastian ang nagsabing pinapatay ang mobile phone signal jammers sa loob ng New Bilibid Prison upang magpatuloy ang mga transaksyon sa illegal drugs.

Sa pagdinig ng House Committee on Justice, nabatid nanagbabayad ang mga bilanggo ng P100,000 bawat linggo sa mga autoridad upang isara ang signal jammers.

Binubuhay muli ang mga kagamitang ito kung may inspection. Sa pagtatanong kung sino ang may autoridad sa pagsasara ng phone jammers, sinabi ni Sebastian na ang mga ito ay sina Director Franklin Bucayu at Ricardo Rainier Cruz III. Sapagkat walang laboratoryo ng shabu sa loob ng piitan, sinabi ni Sebastian na nag-oorder ang mga Tsinong drug lord ng kanilang supply sa ibang bansa sa pamamagitan ng cell phones.

Pinagtangkaan na ng Department of Justice na maglagay ng dalawang signal jammer sa halagang P 2 milyon bawat isa mula sa South Korea sa loob ng Building 14 na kinalalagyan ng 53 high-profile inmates na kinabibilangan ni Sebastian.

Bukod sa kontrababando, umaabot sa P 50 hanggang 100 milyong drug money ang umiikot sa piitan araw-araw.

Talamak na umano ang illegal drug trade sa piitan bago pa man siya inilipat sa Maximum Security Compound.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino