De Lima, protektor ni Sebastian sa piitan

2016-10-10 18:55:01

SI Justice Secretary Leila de Lima ang tagapagtanggol ni Jaybee Sebastian sa illegal drug trade sa loob ng piitan.

Ito ang lumabas sa huling araw ng pagdinig ng House of Representatives sa pagkalat ng illegal drug trade sa National Bilibid Prison. Ito ang kanyang sagot kung kabakas ba o protector ang dating justice secretary sa illegal drug trade.

Tumanggi si Sebastian na isa siyang "government asset" at nagsabing baka nais din ni De Lima na mapatay siya ng sabihin ng senadora sa isang press conference na isa siyang tauhan ng pamahalaan.

Nanganganib umano ang kanyang buhay sa loob ng Building 14, dagdag pa ni Sebastian.

Halos napatay si Sebastian noong ika-29 ng Setyembre sa isang riot sa loob ng piitan. Pinagtangkaan umano siyang patayin ng kapwa bilanggong si Clarence Dongail upang huwag nang makatestigo sa Kongreso.

Maaari umanong sinadyang ilaglag siya sa press conference sa pagsasabing isa siyang government asset. Sinisi ni Sebastian si De Lima sa pagkalat ng ilegal na droga sa piitan.

Nakalikom umano siya ng P 10 milyon para kay Secretary de Lima mula sa drug trade at ibinigay ang salapi kay Jonel Sanchez, isang alalay ng justice secretary. May relasyon din umano si Sanchez at De Lima.

Lumabas na nag-iisang fund-raiser ni De Lima si Sebastian matapos ilipat ang 19 na bilanggo at dinala sa ibang piitan. Ang 19 na bilanggo na pinamumunuan ng robbery convict na si Herbert Colanggo ay mga kalaban umano ni Sebastian sa illegal drug trade. Tumanggi si Sebastian na siya ang nag-utos sa mga gang leader na mangalap ng pondo para kay de Lima.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino