Biktima ng krimen, kontra sa parusang kamatayan

2016-10-12 16:58:13

 

ISANG biktima ng karumaldumal na krimen ang nagsabing hindi siya naniniwala sa parusang kamatayan.  Ito ang mensahe ng isang television/movie personality na si Cherry Pie Picache sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw Laban sa Parusang Kamatayan sa simpleng selebrasyon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines.


Magugunitang natagpuang patay at nagtamo ng maraming saksak sa katawan ang ina ni Cherry Pie.  Nakilala ang biktima sa pangalang Zenaida na noo'y 75 taong gulang.


Noong nakalipas na Disyembre ay nahatulan ng hukuman ang may kagagawan ng krimen na mabilanggo ng habang-buhay.  Naniniwala ang showbiz personality sa katuturan ng restorative justice sa pamamagitan ng pagpapatawad at paghingi ng kapatawaran.


Sa panayam sa CBCP Conference Room, sinabi ni Cherry Pie Picache na kontra din siya sa panawagang ibalik ang parusang kamatayan sa bansa tulad ng ipinangako ni Pangulong Duterte sa mga botanteng Filipino noong kainitan ng kampanya sa panguluhan.


Kontra din siya sa nagaganap na mga pagpaslang ngayon sa bansa at kinampihan pa ang kanyang kapwa artistang si Agot Isidro sa pagtuligsa kay Pangulong Duterte sa pamamagitan ng social media.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino