Benta ng mga sasakyan, patuloy na tumaas

2016-10-12 17:00:27

 

 

NAGKAROON  ng 31,451 mga sasakyan ang nabili noong nakalipas na Setyembre at kiantagpuan ng 16.2% increase sa benta noong Setyembre 2015.


Ayon kay Atty. Rommel Gutierrez, pangulo ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Incorporated, tumaas ang benta ng mga kotseng pampasahero at umabot sa 12,110 unit at mas mataas ng 13.1% kung ihahambing sa benta noong Setyembre 2015.  Tumaas din ito ng 8.7% sa benta noong nakalipas na Agosto.


Ang commercial vehicles naman ay lumago rin ng 18.2% sa paghahambing sa performance noong Setyembre 2015 subalit bumaba ng 9.4% sa benta noong Agosto.


Lumakas ang benta dahil sa maraming modelong pinagpipilian at magandang financial packages, dagdag pa ni Atty. Gutierrez.


Mula unang araw ng Enero 2016 hanggang kahapon umabot sa 216,370 units ang nabenta.  Nangunguna pa rin ang Toyota na may 43.78% market share.  Pangalawa ang Mitsubishi Motors na nagkaroon ng 17.34% samantalang pangatlo naman ang Ford Motors Philippines na mayroong 9.56%.  Pang-apat ang Isuzu Philippines na mayroong 7.47% at Honda Cars na mayroong 6.51%.


Mula 60 hanggang 65% ng mga bagong sasakyan ang naglalakbay sa Metro Manila ayon sa mga dalubhasa sa larangan ng transportasyon.


 

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino