Baril at pinaghihinalaang shabu, nasamsam sa Lanao del Norte

2016-10-12 17:02:15

 

NABAWI ng mga alagad ng batas ang ilang high-powered firearms at pinaghihinalaang shabu sa isang buy-bust operation sa Lanao del Norte kaninang umaga.


Ayon kay Major Filemon Tan, Jr., tagapagsalita ng AFP Western Mindanao Command, naganap ang operasyon sa pamamagitan ng mga tauhan ng 4th mechanized Battalion, 15th Infantry Battalion at mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency.


Nadakip ang isang nagngangalang Ismael Matuan Sarip at may tatlong pakete ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P 20,000, isang baby armalite, isang shotgun at mga magazine na may bala, marked money na nagkakahalaga ng P 5,000 at iba pang mga dokumento.  Sugatan sa operasyon si Sarip.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino