(SPECIAL REPORT)Pagdalaw ni Pangulong Duterte sa Beijing, mahalaga at makasaysayan

2016-10-16 18:17:56

 

 

 

(SPECIAL REPORT)Pagdalaw ni Pangulong Duterte sa Beijing, mahalaga at makasaysayan

(SPECIAL REPORT)Pagdalaw ni Pangulong Duterte sa Beijing, mahalaga at makasaysayan


AMBASSADOR ZHAO JIANHUA: MAKASAYSAYAN ANG PAGDALAW NI PANGULONG DUTERTE SA TSINA.  Ito ang buod ng kanyang pahayag sa idinaos na press briefing sa Kamuning Bakery kagabi.  Maibabalik ang mainit na relasyon ng dalawang bansa sa pagdalaw ni Pangulong Duterte sa Tsina sa Martes hanggang Biyernes.   (Melo M. Acuna)

ISANG makasaysayan at mahalagang pagdalaw ang magaganap sa pagdating ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa darating na Martes sa Tsina.  Magtatapos ang kanyang pagdalaw sa Biyernes, ika-21 ng Oktubre.


Sinabi ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua na maibabalik ang magandang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa sapagkat hinihintay ni Pangulong Xi Jinping na makausap si Pangulong Duterte upang maibalik sa mainit na pagkakaibigan ng mga pamahalaan.


Sa isang press briefing kagabi sa Kamuning Bakery, sinabi ni Ambassador Zhao na tinitiyak ng magkabilang panig na magtatagumpay ang pagdalaw at pag-uusap.  Makakasama sa pag-uusapan ang mga isyu sa larangan ng ekonomiya, kalakal, pagawaing-bayan, pagsasaka, agham at teknolohiya at maging turismo at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.


Hindi mapapag-usapan ang desisyon ng international tribunal hinggil sa South China Sea sapagkat nakatuon ang pansin ng pag-uusap ng magkabilang panig sa pagkakaibigan. 


Ang pinakamahalaga ay ang pagpapatibay ng relasyon ng dalawang bansa tulad ng pagkakaroon ng joint development ng karagatan sa kanlurang bahagi ng Pilipinas.  Higit umanong makikinabang ang Pilipinas sapagkat bukod sa may kapital ang mga Tsino, mayroon din silang teknolohiya.


Nagsimula na ang mga pag-uusap noong panahon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa posibilidad ng pagtutulungan sa yamang likas ng karagatan.  Napag-usapan rin ang paggamit ng oil at petroleum products, pagpapanatili ng freedom of navigation, paglaban sa mga pirata at maipagsanggalang ang ecosystem, pagpapanatili ng magandang marine environment at dagliang pagtulong sa mga sakuna at pagbibigay ng ayuda sa nangangailangan.                                


Ibinalita rin ni Amb. Zhao na naglaan na ang Tsina ng US$ 500 milyon o tatlong bilyong Yuan sa ilalim ng China-ASEAN Maritime Cooperation Fund.  Mapapakinabangan ito ng mga Filipino, dagdag pa ni Amb. Zhao.


Walang ibinigay na timeline ang Chinese ambassador kung kailan ito magaganap ang joint development.  Depende umano sa magkabilang panig kahit pa wala pang nabubuong Memorandum of Understanding.  Bukas naman sila sa pagkakaroon ng joint development sa South China Sea.                                             

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino