Lider ng Abu Sayyaf, napatay ng mga kawal

2016-10-19 11:08:52

 

ISANG kasapi ng Abu Sayyaf Group ang napaslang kahapon matapos manlaban sa mga kawal sa Tawi-Tawi.


Ang napaslang ay nakilala sa pangalang Ustab Anii na dinarakip ng mga tauhan ng Marine Battalion Landing Team-9 ng Second Marine Brigade at Panglima Sugala Police Station.  May mga usaping hinaharap ang miyembro ng Abu Sayyaf tulad ng kidnapping at serious illegal detention.  Naganap ang insidente sa Barangay Magsagaw, Panglima Sugala, Tawi-tawi.  Nabawi mula kay Anji ang isang kalibre .45 at isang granada.  Nanglaban umano ang Abu Sayyaf kaya't napaslang.


Ayon kay Col. Custodio Parcon, ang pagtatangka ng Abu Sayyaf na makapasok sa Tawi-Tawi ay mangangahulugan ng pagkakadakip o pagkakapaslang. 


Sangkot umano si Ustab Anji sa Sipadan hostage-taking noong 2000 at may pabuyang P 350,000.  May kinalaman din siya sa pagdukot sa mga Indonesian at Malaysian nationals.

 



 




Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino