Milyong mga Filipino, pinaghahanda sa napakalakas na bagyo

2016-10-20 10:32:18

MILYON-MILYONG mga Filipino ang inutusang maghanda sa pinakamalakas na bagyong tatama sa madalas makaranas ng mga trahedyang bansa sa pagkakaroon ng malalaking alon sa karagatan at mapaminsalang hangin.

Tatama ang bagyong "Lawin" sa malalayong barangay sa hilaga ng Luzon bago maghatinggabi na may hanging maihahambing sa dinalang lakas ng bagyong "Yolanda" noong nakalipas na Nobyembre 2013 na ikinasawi ng higit sa 7,000 katao.

Sa isang briefing sa telebisyon, sinabi ni Allan Tabel ng Department of Interior and Local Government na hindi lamang malakas na ulan ang idudulot ng bagyo sapagkat magdadala rin ito ng pagbaha, pagguho ng lupa at daluyong.

Nagpadala na ng mga tagapagbalita ang iba't ibang himpilan ng telebisyon at radyo sa mga lalawigang dadaanan ng napakalakas na bagyo. May isang koponan ng foreign correspondents na sa China Central Television ang itinalaga na sa Region II upang mag-ulat sa kalagayan ng rehiyon.

Karaniwan ng tumatama ang may 20 bagyo sa Pilipinas sa bawat taon. Ayon sa mga dalubhasa sa PAGASA, ang bagyong "Lawin" ang pangalawa sa bagyong "Yolanda" na dumaan sa bansa.

Kung hindi magbabago ang direksyon ng bagyo, tatama ito sa Hong Kong at sa katimugang bahagi ng Tsina.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino