Iba't ibang ahensya, pamahalaang lokal, naghahanda sa bagyo

2016-10-20 10:34:59

PATULOY na lumakas ang bagyong si “Lawin” na kilala rin sa pangalang “Haima” na itinuturing na isang Category 4 typhoon kaninang imalawa ng hapon  Nakita ang bagyo sa layong 300 kilometro sa silangan ng Casiguran, Aurora na may lakas na 225 kilometro bawat oras at pagbugsong hanggang 315 kilometro bawat oras.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, kumikilos ito sa lakas na 24 na kilometro bawat oras patungo sa kanluran-hilagang-kanluran.

Inaasahan itong tatama sa hangganan ng Cagayan at Isabela bago sumapit ang hatinggabi ngayon o sa madaling araw ng Huwebes at tatawid sa Apayao at Ilocos Norte hanggang sa makalabas sa Philippine Area of Responsibility sa hatinggabi bukas o madaling araw ng Biyernes.

Mula sa banayad hanggang malakas na buhos ng ulan ang madarama sa lawak na 800 kilometro ng bagyo na madarama mula ngayon.  Umaabot sa 266 bayan ang maapektuhan ng bagyo sa Ilocos, Cagayan, Gitnang Luzon at Cordillera Administrative Region.  Makararanas sila ng ulang maaaring maging dahilan ng pagbaha at pagguho ng lupa matapos dumaan ang bagyong “Karen” na kilala sa pangalang “Sarika” kamakailan.  Nagbabala rin ang PAGASA na maaring magkaroon ng daluyong na hanggang limang metro ang taas sa baybay-dagat na daraanan ng bagyo.

Nagpulong na ang mga tauhan ng National Disaster Risk Reduction and Management Center para sa Pre-Disaster Risk Assessment at nakataas pa ang Red Alert Status.

Inatasan na ng Department of Interior and Local Government ang mga pamahalang lokal na ilikas na ang mga mamamayang posibleng mapasapanganib dahilan sa bagyo.  Nagsagawa na ng paglilikas ang mga pamahalaang panglalawigan ng Cagayan at Isabela.

Mayroong nakaimbak na pagkain ang Department of Social Welfare and Development at pondong nagkakahalaga ng P 1.28 bilyon at 500,000 family food packs na mga pambansa at pangrehiyong mga bodega.

May mga tanggapan nang mula sa United Nations at pandaigdigang non-government organizations ang ipinadala sa Tuguegarao City sa Cagayan at naghahandang tumugon sa pangangailangan.  Pinamamahalaan na ng United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs ang pakikipag-ugnayan sa mga ahensya.  Inanyayahan ng Office of Civil Defense ang OCHA na makiisa sa paghahanda.  Nagpadala na ng dalawang koponan ang OCHA upang makipagtulungan at masuri ang pangangailangan ng mga mamamayan.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino