Padalang salapi ng mga Filipino sa ibang bansa, umabot sa US$ 2.6 bilyon noong Agosto

2016-10-20 10:37:43

TUMAAS ang padalang dalapi ng mga Filipino noong Agosto 2016 ng may 16% kung ihahambing sa kanilang naipadala noong Agosto 2015.  Umabot ito ng US.6 bilyon.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas Officer-In-Charge Nestor A. Espenilla, ang personal remittances na naipadala ng mga Filipino sa unang walong buwan ay lumago ng 4.4% at nakamtan ang halagang US$ 19.5 bilyon.

Kalakhan ng salaping pumasok sa bansa ay personal remittances  mula sa mga manggagawang nasa lupa na may kontratang higit sa isang taon sa alagang US$ 15.1 bilyon samantalang ang padalang salapi ng mga magdaragat at manggagawang nasa lupa subalit may mga kontratang wala sa isang taon ay umabot sa US$ 4.1 bilyon.

May 80% ng salaping nakarating sa bansa ay mula sa Estados Unidos, Saudi aRabia, United Arab Emirates, Singapore, United Kingdom, Japan, Qatar, Kuwait, Hong Kong at Germany.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino