Relasyon ng Pilipinas at Tsina, naayos na

2016-10-20 18:42:18

NAKABALIK na sa dati ang relasyon ng Pilipinas at Tsina. Ayon sa mga balitang lumabas sa Maynila mula sa Beijing, nagkasundo ang Pilipinas at Tsina na pag-usapan na lamang ang 'di pagkakaunawaan sa bahagi ng karagatan sa pamamagitan ng bilateral discussions.

Ito ang sinabi ni Vice Foreign Minister Liu Zhen Min sa isang briefing matapos ang bilateral talks sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping kaninang umaga.

Nagkaroon umano ng “friendly atmosphere” sa pag-uusap ng magkabilang panig. Malawak ang naging pag-uusap, dagdag pa ni G. Liu.

Idinagdag pa niyang matagumpay ang pagdalaw ni G. Duterte at nagpapakita lamang ng pagbabalik ng pagkakaibigan ng dalawang bansa sa normal na antas.

Mayroong practical cooperation, bilateral commerce, trade at technology na napag-usapan.

Nagpasalamat ang Tsina sa paglahok ng Pilipinas sa “One Road One Belt Policy” kasabay ng pangangako na magiging aktibo sa mga pagawaing-bayan. pagsasaka at pananalapi.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino