Pagsasanay ng pulis, mahalaga

2017-01-18 18:22:50

SINABI ni Atty. Ramil Gabao, chairman ng Board of Criminology ng Professional Regulatory Commission na kailangang magkaroon ng ibayong pagsasanay ang mga taong pumapasok sa serbisyo sapagkat nakasalalay sa kanilang balikat ang kapayapaan at katahimikan ng mga komunidad.



Pagsasanay ng pulis, mahalaga

MGA PULIS KAILANGANG MASANAY NG MAAYOS.  Naniniwala naman si Atty. Ramil Gabao, chairman ng Board of Criminology sa Professional Regulatory Commission na kailangan ang ibayong pagsasanay ng mga pulis lalo na't bago ang OPLAN TOKHANG.  Kailangang mapangalagaan din ang pagpili sa kung sino ang kwalipikadong maging pulis.  (Melo M. Acuna)


Hindi umano maayos ang balak ng Philippine National Police na sila na ang mamili, magsanay at sumukat ng performance ng mga tauhan nila.  Naniniwala si Atty. Gabao na maayos ang set-up na mayroong Philippine Public Safety College na nagsasagawa ng training ng mga nagiging pulis, bumbero at tauhan ng jail management and penology.


Sa isang pagdinig sa Senado, sinabi ni Atty. Gabao na nagpaliwanag ang PPSC na wala silang magagawang anuman sa mga sasanayin sapagkat ang Philippine National Police ang namimili sa mga tatanggaping aplikante.  Mahalaga rin ang gagawing neuro-psychiatric evaluation sa mga aplikante sapagkat mapanganib ang mga sandatang kanilang hahawakan samantalang naglilingkod sa pamahalaan.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino