Pagpaslang sa Koreano, may koneksyon sa “war on drugs”

2017-01-26 19:22:07

SINABI ni Senador Risa Hontiveros na may koneksyon ang pagdukot at pagpatay sa Koreanong si Jee Ick-joo sa madugong kampanya ng pamahalaan laban sa droga na ikinasawi na ng may 7,000 katao.

Sa ginawang pagdinig ng Senate Committee on Public Order na pinamunuan ni Senador Panfilo Lacson, sinabi ni Hontiveros na ang pagpatay kay Jee noong Oktubre ay maaaring “collateral damage” sa agresibong kampanya ng pamahalaan laban sa droga.

Nanawagan si Hontiveros kay PNP chief Director General Ronald dela Rosa na suspendihin ang “war on drugs” hanggang hindi nalilinis ang hanay ng pulisya ng masasamang tao. Dinukot si Jee sa pagkakasangkot umano sa illegal drugs.

Ani Senador Hontiveros, lalong napagsasamantalahan at naaabuso ng mga masasamang pulis ang mga mamamayan.

Sumagot naman si General dela Rosa ay nagsabing hindi maititigil ang kampanya. May mga pulis ding napapaslang sa kampanya laban sa illegal drugs, dagdag pa ng heneral.

Niliwanag pa ni General dela Rosa na ang kautusan sa kanyang mga tauhan ay kumilos ng ayon sa batas.

Dumalo rin sa pagdinig sa Senador ang balo ni G. Jee Ick-joo na si Choi Kyung-jin at ang kanilang kasambahay na si Marissa Morquicho.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino