Mga maralitang tagalunsod, nagpetisyon sa Korte Suprema

2017-01-26 19:25:25

HINILING ng mga kamag-anak ng mga biktima ng pagpatay sa isang barangay sa Quezon City sa Korte Suprema na maglabas ng Writ of Amparo upang huwag mabiktima ng sinasabing pang-aabuso ng mga pulis.

Hiniling din nilang pigilin ang Oplan Tokhang ng Philippine National Police sa Barangay payatas at sa iba pang mga barangay na saklaw ng Quezon City Police District Station 6 samantalang dinirinig ng hukuman ang kanilang petisyon.

Mula ang petition for writ of amparo sa Center of International Law sa ngalan ng mga kamag-anak ng mga biktima laban sa programa ng pulisya. Pinasasagot sa kanilang petisyon sina Director General Ronald dela Rosa, QCPD Director Guillermo Eleazar, QCPD Station 6 commander Supt. Lito Patay at ilang mga tauhan ng pulisya.

Limang buwan matapos ang mga pagpatay, ang mga pulis na sangkot ay patuloy na nananakot sa Group 9, Area B sa Payatas, Quezon City upang guluhin ang mga mamamayan at nang manahimik na lamang matapos masaksihan ang krimen.

Ayon sa petisyon, ang mga apektado ay mga informal worker, mga basurero, mga walang poder at mahihirap na naninirahan sa komunidad lalo pa't ang proteksyong nararapat ibigay sa kanila ay ipinagkakait ng mga pulis sa kanilang kampanya laban sa droga.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino