Balo ng Koreanong negosyante, nakausap si Pangulong Duterte

2017-01-30 19:44:35

NAKAUSAP ni Gng. Choi Kyung Jin, ang balo ng negosyanteng si Jee Ick-Joo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacanang kanina. Kasama ng balo si South Korean Ambassador Kim Jae Shin.

Sa pagpupulong, nakasuot ng sunglasses ang balo at gumamit din ng shawl, Naganap ang pulong matapos ilabas ni G. Duterte ang kanyang galit sa mga pulis na sangkot sa krimen. Magugunitang dinakip si G. Jee sa pagkukunwaring isang lehitimong police operation ang nagaganap noong ika-18 ng Oktubre, 2016.

Sa isang press conference kaninang pasado hatinggabi, sinabi ni Pangulong Duterte na galit na galit siya sa naganap sapagkat pati siya ay napahiya. Sinuspinde na rin ng pulisya ang anti-illegal drugs operations sa kautusan ng pangulo.

Si PNP Director General Ronald dela Rosa mismo ang nagsabing apat na pulis kabilang na si Supt. Rafael Dumlao III ng Anti-Illegal Drugs Group at SPO3 Ricky Sta. Isabel. Sila ang pinapanagot sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong negosyante noong Oktubre 2016.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino