Federation of Free Workers, nanawagang siyasatin ang sunog sa Cavite

2017-02-04 15:25:23

SUPORTADO ng Federation of Free Workers ang pangako ni Labor and Employment Secretary Bello na gumawa ng imbestigasyon sa naganap na sunog sa HTI sa Cavite. Ito ang sinabi ni Atty. Sonny Matula, pangulo ng FFW.

Sinabi ni G. Matula na umaasa siyang magagawa ang imbestigasyon sa pinakamadaling panahon at mabatid ng magkabilang panig, ng mga manggagawa, ng mga employer at pamahalaan sa pagpaptuloy na tripartism.

Nararapat lamang na makita ang larawan hinggil sa labor standards at occupational safety and health standards. Naganap na ito sa pakikiisa ng Nagkaisa sa Task Force Valenzuela kasunod ng malaking sunog sa Kentex sa Valenzuela City kamakailan.

Ang walang pinapanigang pagsisiyasat ang tutugon sa panawagang katarungan ng mga manggagawa, mga biktima at mga pamilya, dagdag pa ni Atty. Matula.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino