Palasyo: Mga obispo walang alam sa nais ng publiko

2017-02-07 12:40:49

SINABI ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na walang nababatid ang mga obispo sa ninanais ng karamihan ng mga Filipino.

Sa dalawang talatang pahayag na lumabas sa website ng Presidential Communication Office, sinabi ni G. Abella na suportado ng nakararami ang mga pagbabagong nagaganap sa bansa, ang pagkakaroon ng higit na ligtas na mga pamilya, mga nagtatrabaho, lalo na ang mga nagtatrabaho sa mga business process outsourcing at malayo sa ikinababagabag na mga pagpaslang na sinasabi ng mga obispo.

Mas makabubuti umanong paki-alaman ng mga obispo ang pagsusulong ng higit na maayos na pag-uugali ng mga mananampalatay at makatulong sa paghahari ng kapayapaan na nadarama ng mga mamamayan sa buong bansa, lalo na ang mga walang kinalaman sa anumang ilegal na gawain.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino