Pilipinas at China Radio International lumagda sa kasunduan

2017-02-16 17:40:56

 

ISANG simpleng seremonya ang naganap kahapon sa Philippine Information Agency sa paglagda ng Presidential Communications Office at China Radio International sa isang memorandum of agreement.

Saklaw ng kasunduan ang mga ahensyang nasa ilalim ng PCO tulad ng Philippine Information Agency, People's Television Network, Philippine Broadcasting Service-Radyo ng Bayan at Philippine News Agency.  Layunin ng kasunduang mapayabong ang pagkakaibigan at paguunawaan ng Pilipinas at Tsina sa pamamagitan ng pagtutulungan sa larangan ng pagbabalitaan.

Lumagda sa kasunduan si Undersecretary for Administration and Finance Noel George Puyat na kinatawan ni Secretary Martin Andanar, Atty. Maria Paz Banaag, Assistant Secretary for Operations, Virgina Agtas, Director of News and Information Bureau, Angelo Villar, Deputy Director General ng Philippine Information Agency, Luis Morente ng Philippine News Agency, Rizal Aportadera, Director General ng PBS at Dino Apolinario ng PTV4.

Sa panig ng China Radio International, lumagda si Pangulong Weng Gengnian, Bb. Wang Lu, Director ng CRI Worldwide English Broadcast Center, An Xiaoyu, Director ng Southeast Asia Broadcast Cemter, Qian Hongjing ng editorial board at Xu Xiang, staff member ng CRI Executive Office.

Ayon kay Pangulong Weng ng CRI, patuloy na lumalakas ang pagkakaibigan ng dalawang bansa at umaasa siyang higit na gaganda ang mga proyekto sa pagitan ng mga tauhan at mga mamamahayag sa pagpapalabas ng mga programang Filipino sa mga himpilang Tsino.

Maaaring magsanay ang mga Tsino sa Pilipinas samantalang makapagtatrabaho ang mga Filipino sa Tsina.  Magagamit din ang mga balita at iba pang materyales na may copyright sa wikang Pilipino at Ingles.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino