Mga papel sa bangko ni Pangulong Duterte, maaaring ilabas

2017-02-16 18:53:24

 

SINABI ng Malacanang na maaaring ilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tala ng kanyang bank transactions kasunod ng pagbuhay na muli ni Senador Antonio Trillanes IV ang sinasabing P 2 bilyon.


Niliwanag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na gagawin ito hindi upang sagutin ang mga paratang ni Senador Trillanes.


Ilang araw bago sumapit ang halalan noong nakalipas na ikasiyam ng Mayo, pinalabas na ni G. Duterte ang mga sertipiko sa balanse ng kanyang deposito sa Bank of Philippine Islands subalit hindi ang transaction history.


Ayon kay Secretary Abella, inuulit lamang ni Senador Trillanes ang kanyang mga akusasyon  Bahagi lamang ito ng ingay sa larangan ng politika, dagdag pa ni Secretary Abella.


Sa naunang panayam kay Secretary Abella, nabanggit niyang kailangang maging maingat si Senador Trillanes sa kanyang mga akusasyon. 


Nabanggit ni Senador Trillanes sa isang press conference na handa siyang magbitiw kung mapatutunayan ni Pangulong Duterte na mali ang kanyang mga akusasyon.


Binanggit ni Secretary Abella na kailangang patunayan ni Senador Trillanes ang kanyang mga akusasyon.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino