Marapat lisanin ang nakalipas, sabi ng Malacanang

2017-02-16 18:54:56

 

NARARAPAT lamang na talikdan na ang nakalipas.  Ito ang dahilan ng Malacanang sa desisyon ng Duterte Administration na magkaroon ng simple at payapang pagdiriwang ng ika31 anibersaryo ng EDSA Revolution ngayong darating na Sabado, ika-25 ng Pebrero.


Ayon kay Secretary Abella, panahon upang talikdan ang basta na lamang pagdiriwang at paggunita sa nakalipas at magkaisa sa pagbuo ng bansa na mayroong positibong pag-unawa.


Hindi na pagdiriwang sa naganap sa nakalipas, dagdag pa ni Secretary Abella.  Tumanggi siya sa paniniwala ng iba na sinadya ng pamahalaang gawing simple ang pagdiriwang sapagkat mayroong asosasyon sa Partido Liberal.


Ikinasama naman ng loob ni dating Pangulong Fidel V. Ramos, isa sa mga namuno sa EDSA People Power Revolution noong 1986 ang pangyayaring ito.


Ani Pangulong Ramos sa isang press conference kahapon, nabanggit niyang wala pa mang emergency power ay inilipat na ang selebrasyon sa loob ng Campo Aguinaldo.  Ikinababahala umano ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang magiging epekto sa traffiko.





Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino